Mga klinika sa Japan, nagsimula nang tumanggap ng mga pasyente ng COVID-19

Mga klinika sa Japan, nagsimula nang tumanggap ng mga pasyente ng COVID-19

NAGSIMULA nang tumanggap ng mga pasyente ng COVID-19 ang mga klinika sa Japan kasunod ng pagbaba ng kategorya nito.

Ang mga institusyong pang-medikal sa buong Japan ay inaatasan na suriin at gamutin ang mga pasyente ng coronavirus, kasama ang mga iba pang mga pasyente, kasunod ng pag-downgrade ng estado ng COVID-19 mula ngayong Lunes.

Ang COVID-19 ay napabilang na ngayon sa parehong kategorya ng seasonal influenza.

Layunin naman ng gobyerno na mas maraming outpatients ng coronavirus ang magagamot sa mga ospital at klinika na nagsasagawa ng pagsusuri sa seasonal flu.

Ang isang klinika sa Shinjuku Ward ng Tokyo ay hindi tumatanggap ng mga pasyente na pinaghihinalaang nahawaan ng coronavirus dahil marami sa mga pasyente nito ay mga matatandang may kondisyon na gaya ng high blood pressure, diabetes at respiratory disease.

Ngunit simula ngayong Lunes, susuriin na ng klinika ang mga pasyente ng COVID-19, at magsasagawa ng mga hakbang upang maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon tulad ng pagtatanong sa mga pasyente tungkol sa kanilang mga sintomas sa pamamagitan ng telepono at pagpapabisita sa klinika sa ibang oras mula sa ibang mga pasyente.

Samantala, ang mga klinika sa Japan ay nababahala kung ito ay maayos na makahahanap ng pagamutan para sa mga pasyente na nangangailangan ng ospital kapag nagkaroon ng pagtaas ng mga impeksiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter