KAHIRAPAN ang itinuturong pangunahing dahilan ng paglaganap ng human trafficking sa Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Department of Justice (DOJ) Usec. Nicholas Felix Ty sa panayam ng SMNI News.
Aniya, nabibiktima ang mga Pilipino dahil desperado ang mga ito sa kinakaharap na problema sa buhay.
Tiniyak naman ni Ty na tututukan ng DOJ ang paglaban sa iba’t ibang uri ng human trafficking sa bansa gaya ng sex, labor, at organ trafficking.
Nagbabala naman si Ty sa publiko na huwag magpabiktima o maakit sa mga inaalok na trabaho sa abroad lalo na ang mga nakikita sa online.
Hinihikayat din ng opisyal ang publiko na makiisa sa pagsugpo sa mga human trafficking sa kanilang komunidad lalo na kung ang binibiktima ay mga kabataan.