PBBM, ‘di pa handang magkomento sa isyu ng speakership

PBBM, ‘di pa handang magkomento sa isyu ng speakership

HINDI pa handang magbigay ng komento si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa isyu ng speakership ng House of Representatives sa kalagitnaan ng mga balitang may plano umanong patalsikin sa puwesto si Speaker Martin Romualdez.

Ito ang naging pahayag ni Pangulong Marcos matapos na pabulaanan ni former President at Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo na may plano itong patalsikin sa speakership si Romualdez.

Matatandaan na napagbotohan ng Kamara na palitan si Arroyo ni Pampanga Rep. Aurelio ‘Dong’ Gonzales, Jr. bilang senior deputy speaker.

Muli ring inihayag ng mga malalaking political parties gaya ng Lakas-CMD, National Unity Party, at Nationalist People’s Coalition ang suporta nito kay Romualdez.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter