HALOS 2-k ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa nitong Linggo.
Ito na ang ika-25 araw na nakapagtatala ang Department of Health (DOH) ng higit 1-K bagong kaso sa loob ng isang araw.
Sa datos ng DOH, aabot sa 1,885 ang bagong kaso kaya tumaas sa higit 16-K ang kabuuang aktibong kaso sa bansa.
Higit 2-K ang nakarekober at walang naitalang nasawi.
Sa National Capital Region (NCR), mahigit 500 naman ang naitalang bagong kaso.