Miss World 2023, gaganapin na sa India

Miss World 2023, gaganapin na sa India

NAGKAROON ng pagbabago sa schedule ng ika-71 edition ng Miss World Pageant matapos i-anunsiyo na gaganapin ito sa United Arab Emirates (UAE).

Sa Facebook post ng Miss World, kinumpirma nitong ang India ang magiging host sa Miss World 2023 na gaganapin sa buwan ng Nobyembre o Disyembre.

Ayon kay MWO chairperson and CEO Julia Morley, makikipagsanib-puwersa sila sa Dubai-based entertainment firm na PME Entertainment para sa “Miss World Festival” na magtatampok ng 130 na bansa.

Wala namang inihayag na rason sa ginawang pagbabago at iba pang detalye sa naturang pageant.

Follow SMNI NEWS in Twitter