Wakeboarding, patok sa mga Pinoy

Wakeboarding, patok sa mga Pinoy

PATOK sa mga Pinoy ang larong wakeboarding dahil nagbibigay ito ng full-body work out na nakatutulong sa kalusugan.

Nagbigay rin ito ng anim na medalya sa bansa noong 2022 nang ang Pilipinas ang nag-host ng Southeast Asia (SEA) Games.

Ayon kay World Number 2 wakeboarder at 2 time International Waterski & Wakeboard Federation Silver Medalist Raph Trinidad na ang naturang sports ay nagtuturo ng aral sa buhay, na kahit ilang beses na natumba, subukan pa ring tumayo.

Dagdag pa ni Raph, ang pag-aaral ng wakeboard ay hindi magastos at swak sa mga Pinoy.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter