NAKUMPISKA ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mahigit P3-M halaga ng ilegal na droga.
Aabot sa mahigit 3-M pisong halaga (Php3,400,000.00) ng shabu ang nakumpiska sa ginawang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA Cavite Provincial Office, Cavite Police Provincial Office, Rosario Municipal Police Station, at PDEA Regional Office IV-A Special Enforcement Team sa New Market Road, Brgy. Tejeros Convention, Rosario, Cavite.
Nahuli sa nasabing operasyon ang mga suspek na sina Basit Dimasira alias Mosib, 42-taong gulang at Sandy Jailani, 43-taong gulang na parehong residente sa Rosario, Cavite.
Nakuha mula sa mga suspek ang humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalaang shabu at ang buy-bust money.
Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga nahuling suspek.