Lider ng Dawlah Islamiya, nasawi sa engkuwentro sa Marawi City—AFP

Lider ng Dawlah Islamiya, nasawi sa engkuwentro sa Marawi City—AFP

NASAWI sa pakikipaglaban sa mga tropa ng militar ang notorious na Dawlah Islamiya lider na si Abu Zacharia sa Bangon, Marawi City kaninang 1:00 ng madaling araw Hunyo 14, 2023.

Kinumpirma mismo ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkamatay ng lider ng Dawlah Islamiyah-Maute Group na si Abu Zacharia.

Ayon sa tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command (WESTMINCOM) na si Major Andrew Linao, 1:00 ng madaling araw nang isagawa ang pagsisilbi sana ng warrant of arrest kay Faharudin Hadji Benito Satar, Faharudin Pumbaya Pangalian, Fahar Pumbaya Pangalian, a.k.a. Abu Zacharia, ngunit nauwi ito sa engkuwentro dahilan ng pagkasawi.

“Nagkaroon ng encounter kanina, mga 1:30 kaninang madaling araw. The target is to serve warrant of arrest ‘dun sa Daulah Islamiyah, ISIS leader na si Abu Zacaria and troops successfully neutralized, killed Abu Zacaria, Faharudin Hadji Satar, with the recovery from his possession the 60MM mortar, two grenades, and two M16 rifles and at around 6am,” ayon kay Major Andrew Linao, spox, WESTMINCOM, AFP.

Nasundan pa ito ng isa pang follow up operations sa kaniyang sub leader at finance officer na si Joharie Sandap a.k.a Mursid ngunit hindi rin ito pinalad nang maganap ang engkuwentro.

 “Nagkaroon ng follow pursuit operation dito naman, may warrant of arrest din targeting his sub leader which is at the same time ito ‘yung finance and logistics officer, Daulah Islamiyah sub leader Phil na Joharie Sandap @ Mursid, aka Mursid, in his possession na recovered ‘yung M16, one glock pistol and an explosive ordance, ‘dun pa rin sa Bangon Marawi pa rin, the same,” dagdag ni Major Linao.

Narekober mula sa suspek ang ilang baril na pagmamay-ari ni Zacharia at ng kaniyang sub leader at nagsisilbing finance officer nito na kalauna’y nasawi rin matapos subukang makipagpalitan ng putok ng baril mula sa mga tropa ng pamahalaan.

Ayon sa AFP, malaking bagay ang pagkasawi ni Zacharia sa operasyon ng Dawlah Islamiya sa bansa.

Tiniyak pa rin ng militar na hindi sila dapat na magpakakampante dahil sa mga natitira pa nitong mga kasamahan sa malaking bahagi ng bansa.

 “Possibly no, but we will not be complacent and compliant lang ‘dun sa ano, we will still target the members and other faction group leaders kasi nandiyan pa rin sila, but the neutralization of the overall Emir here in the Philippines will play a big role dun sa overall campaign ng ISIS sa bansa natin,” ani Major Linao.

Batay sa datos ng militar, may iilang bilang pa rin sa bansa ang mga terrorist groups na ito na kinabibilangan ng Maute Islamic State of Iraq and Syria (ISIS)-Inspired Group na Dawlah Islamiya na mayroon pang 45 miyembro, 35 mula sa Hassan, at 10 mula sa Maguid.

Ayon sa impormasyon, ang napatay na si Abu Zacharia ang kasalukuyang lider ng ISIS Philippines at ISIS East Asia.

Ito rin ang pumalit na lider mula sa nasawing si Abu Dar ng Daulah Islamiya.

Sa huli, tiniyak ng militar ang papaubos at papahina nang paksiyon ng mga teroristang grupo na ito sa bansa mula sa tuluy-tuloy na military operations nito laban sa mga terorista ng estado at malaking tulong din ito sa patuloy na kampanya ng pamahalaan tungo sa mapayapang bansa lalo na sa Mindanao.

 “This is a significant breakthrough in our campaign against the Daulah Islamiyah. We are certain that the death of Abu Zacharia will be the downfall of the IS-Inspired Group in our area of operation. This achievement is attributable to the solidarity among various sectors. May we continue to walk the path leading to internal security with utmost sincerity and dedication. Let us unite ourselves and journey toward the realization of lasting peace and development, which are inclusive of the inspirations of all the peace-loving people of Mindanao,” ayon kay LtGen. Roy Galido, Chief, Western Mindanao Command, AFP.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter