NAGDIWANG ng ikatatlong taong anibersaryo ang Batangas Premiums, ang Award Winning Brand ng masarap na longganisa at hamon.
Sa loob lamang ng tatlong taon, kalat na sa buong bansa ang Batangas Premium.
Yan ay kitang kita sa mahigit anim na libong resellers at distributors ng Batangas Premium mula Luzon hanggang Mindanao.
Hunyo 23, nagtipon-tipon sila para sa selebrasyon ng ikatlong anibersaryo ng Batangas Premium na ginanap sa Makati City.
Ang selebrasyon ay inihanda at dinaluhan mismo ng CEO na si Nicko Jay Landicho at ni Ms. Ma. Wena Opena, ang presidente ng kompanya.
Anila sa kabila ng pandemya at isyu ng African swine fever (ASF), naging matatag ang Batangas Premium sa loob ng tatlong taon.
Ang kanilang produkto na mula Batangas gaya ng logganisa, tocino, at hamon ay kayang makipagsabayan sa mga kilalang brand.
Sa selebrasyon, kinilala at pinarangalan ng Batangas Premium ang kanilang mga top resellers at distributors.
Ang pagtulong sa kapwa ang sikreto ng tagumpay ng kompanya.
Batangas Premium, malayo pa ang mararating sa mga susunod na taon—Distributors
Naniniwala ang mga empleyado at mga resellers na malayo pa ang mararating ng Batangas Premium.
Sa susunod na taon ay madaragdagan pa ang ilulunsad na produkto ng Batangas Premium gaya ng hotdog.
Aasahan din anila ang iba’t ibang inobasyon, at pagdami pa ng tatangkilik sa Batangas Premium.