IPINALIWANAG ng Publicus Asia ang dahilan kung bakit nangunguna ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Science and Technology (DOST) sa approval at trust ratings.
Naaabot ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang mga Pilipino dahil isa itong provincial at city-based organization.
Ayon kay Eric Estrabo, isang economic analyst ng Publicus Asia sa panayam ng SMNI News, factor ito para tumaas ang trust at approval rating nila sa naging survey kamakailan.
Sa Department of Science and Technology (DOST) naman, sinabi ni Estrabo na nakakuha rin ito ng mataas na approval at trust ratings dahil sila ang nagbibigay ng alerts at warnings na may kaugnayan sa kalamidad.
May scholarships din itong ibinibigay para sa mga piling estudyante.
Batay naman sa survey, ang Department of Health (DOH) ang may pinakamalaking pag-usad sa rankings dahil sila ang naging responsable sa pagtugon at mapabuti ang lagay ng bansa kontra COVID-19 pandemic.