“EXIST” ng EXO, number 1 sa iTunes

“EXIST” ng EXO, number 1 sa iTunes

NANGUNA sa iTunes album charts sa 66 na bansa ang full-length album ng EXO na “EXIST”.

Ito’y kahit isang araw pa lang nang mai-release ang album noong Hulyo 10.

Maliban sa iTunes Album Chart, number 1 din ang “EXIST” sa QQ Music at Kugou Music sa China.

Ang title track naman na “Cream Soda” ay number 1 rin sa iTunes Song Charts sa loob ng 46 na bansa.

Batay rin sa Hanteo Chart nitong Hulyo 11, mahigit isang milyong copies na ng album ang naibenta.

Sa kabilang banda, itinaon din ng EXO main vocalist na si Kyungsoo ang pagkakaroon ng Instagram account sa araw ng kanilang comeback.

Para sa fans ng singer, ang official Instagram account ni Kyungsoo o mas kilala bilang D.O. ay d.o.hkyungsoo.

Si Kyungsoo ang huling member na gumawa ng Instagram account matapos ang 11 taon nang mag-debut ang South Korean boy group na EXO noong 2012.

Kilala ang singer na gumagamit lang ng Gmail account.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter