IBINIDA ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagtaas ng koleksiyon ng buwis sa unang limang buwan ngayong taon.
Aabot na sa P1.056 trilyon ang nasingil ng ahensiya simula Enero hanggang Mayo ng 2023.
Mas mataas ng 9.94% kumpara sa P95.454 bilyong tax collection noong kaparehong panahon ng 2022.
Target pa ng BIR na makakolekta ng kabuuang P2.599 trilyon na halos 11% mas mataas.
Positibo naman si BIR commissioner Romeo Lumagui, Jr. na kayang-kaya itong maabot ang annual collection target ngayong 2023.
Kasunod na rin ito sa mas pinaigting pa na kampanya laban sa tax evasion at iba pa.