Pagkikita ni FPRRD at Pres. Xi, hindi kailangan ng basbas—PBBM

Pagkikita ni FPRRD at Pres. Xi, hindi kailangan ng basbas—PBBM

HINDI kailangan humingi ng permiso ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para bumisita sa kaniyang itinuturing na kaibigan na si Chinese President Xi Jinping.

Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa pagkikita kamakailan ng dating Pangulong Duterte at Pres. Xi sa Beijing.

“No. Nag permiso? Hindi naman kai… Alam ko naman na pupunta siya. At magkaibigan sila, magkakilala sila. So I hope that napag-usapan nila ‘yung mga isyu na ngayon na mga nakikita natin, ‘yung mga shadowing, ‘yung mga kung anu-ano. All of these things that we are seeing now I hope napag-usapan nila para naman magkaroon tayo ng progress, kasi ‘yun naman talaga ang habol natin e patuloy ang pag-uusap,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

 PBBM, bukas sa posibilidad na makatulong si FPRRD sa pakikipagdiyalogo sa China

Bukas naman si Pangulong Marcos na magkaroon ng panibagong linya ng komunikasyon sa bansang China.

Kung si dating Pangulong Duterte ito at makatulong sa pagpapabuti ng relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China ay okay kay Pangulong Marcos.

“Kaya’t I welcome any new lines of communication. If that is President PRRD then good. Hindi importante sa akin kung sino, kung ano. Basta’t me makausap sila baka makatulong e. I am sure that he will have a hindi naman report, I am sure he will be able to tell us what happened during their conversation and see how that affects us,” ayon pa kay Pangulong Marcos.

Nitong Lunes ay nagkita sina dating Pangulong Duterte at Pres. Xi sa Diaoyutai State Guest House sa Beijing.

Magugunitang muling gumanda ang relasyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa ilalim ng Duterte administration matapos ang ilang taong tensiyon na nabuo dito noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter