ICC, hindi dapat manghimasok—Sen. Revilla

ICC, hindi dapat manghimasok—Sen. Revilla

HINDI dapat manghimasok ayon kay Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. ang International Criminal Court (ICC).

Nagpahayag din ng pagtutol si Sen. Revilla sa mga ulat na maaaring maglabas ang ICC ng warrant of arrest laban sa ilang mga halal na pinuno ng Pilipinas.

Kaniyang dinepensahan ang kapwa senador na si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa at dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kapwa namuno sa kampanya laban sa ilegal na droga na siya namang kinikilalang nagbunga sa katahimikan at kaayusan sa mga komunidad.

Ani Revilla, hindi siya papayag sa malinaw na panghimasok na susubukang gawin ng ICC sa ating bansa.

Paliwanag ng mambabatas,“Kung mayroong pananagutan sina Bato at Duterte ay sa batas ng ating bansa dapat sila managot, hindi sa mga dayuhan.”

Ipinahayag din ni Revilla ang kaniyang pagsang-ayon sa pahayag ni Senate President Juan Miguel Zubiri na ibibigay ng Senado ang proteksiyon nito sa mga senador at kailanman hindi isusuko ang integridad at kasarinlan ng institusyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter