AC Bonifacio, featured sa “Equal” campaign ng Spotify sa Time Square, New York

AC Bonifacio, featured sa “Equal” campaign ng Spotify sa Time Square, New York

SOBRANG natuwa si AC Bonifacio matapos nai-feature ito sa iconic na Times Tower Billboard sa Time Square, New York City.

Ang pag-feature kay AC sa Billboard kamakailan ay bahagi ng “Equal” campaign ng Spotify kung saan hina-highlight dito ang mga babaeng musician mula sa buong mundo.

Nitong Mayo lang nang mag-release rin ng kantang may pamagat na “4 Myself” ang young singer.

Lubos namang pinasalamatan ni AC ang lahat na nasa likod ng kaniyang mga nakamit na tagumpay sa buhay at sa lahat na walang humpay na sumusuporta sa kaniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble