Transport groups, humarap sa LTFRB at DOTr ukol sa PUV modernization

Transport groups, humarap sa LTFRB at DOTr ukol sa PUV modernization

NAKIPAGDAYALOGO ang mga opisyal mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Department of Transportation (DOTr) sa iba’t ibang transport groups.

Layunin ng pagpupulong ay pakinggan pa ang iba pang panawagan ng mga nasa sektor ng pampublikong transportasyon at pasalamatan ang mga ito sa suporta na ibinigay ng mga ito sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Hinikayat ni DOTr Sec. Jaime Bautista na patuloy na makipag-usap ang mga naturang grupo upang mapaunawa sa pamahalaan ang lahat ng kanilang hinaing hinggil sa mga programa.

Binigyang-diin naman ni Chairman Teofilo Guadiz, III  na nananatiling bukas ang tanggapan ng LTFRB upang pakinggan at agarang gawan ng aksiyon ang mga nagpapahirap sa mga stakeholder ng pampublikong transportasyon.

Kabilang sa mga hinarap ng mga opisyal ng DOTr at LTFRB ang iba’t ibang Transport Service Cooperatives (TSC), BUSINA, National Federation of Transport Cooperative (NFTC), at “Magnificent 7 + 1”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble