UMABOT na sa mahigit P3.5-B ang halaga ng iniwang pinsala sa imprastraktura ng Bagyong Egay.
Batay ito sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) mula sa 487 imprastraktura sa 10 rehiyon.
Pinakamarami ay naitala sa Cordillera Administrative Region (CAR) na umaabot sa 280 imprastraktura.
Habang 1,283 bahay ang totally damaged at 34,572 ang partially damaged.
Samantala, mahigit P1.9-B ang halaga ng pinsala sa agrikultura, kung saan 114,565 magsasaka at mangingisda ang naapektuhan ng bagyo.