Balasahan sa PNP, ipatutupad matapos tanggalin sa serbisyo ang 18 pulis dahil sa isyu ng ilegal na droga

Balasahan sa PNP, ipatutupad matapos tanggalin sa serbisyo ang 18 pulis dahil sa isyu ng ilegal na droga

ASAHAN ang pagpapatupad ng balasahan sa Philippine National Police (PNP) matapos alisin sa serbisyo ang 18 matataas na opisyal nito na idinadawit sa ilegal na droga.

Sa panayam kay PNP chief Police General Benjamin Acorda, Jr. tugon aniya ito upang mapunuan ang mga nabakanteng puwesto ng tatlong police brigadier generals at 15 police colonels.

Ayon kay Acorda, kumpiyansa siyang hindi makaaapekto sa morale ng buong organisasyon ang pag-alis sa mga pulis lalo’t marami sa kanila ang malinis ang track record.

Umaasa naman si Acorda na hindi na mauulit sa hinaharap ang pagkakasangkot ng mga pulis sa ilegal na gawain partikular na sa ilegal na droga.

Sa kabilang banda, nilinaw ng PNP, na mananatili pa rin sa puwesto at sa serbisyo ang mahigit sa 900 opisyal ng Pambansang Pulisya na tumugon sa panawagang courtesy resignation ng PNP at DILG dahil sa isyu ng ilegal na droga.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble