Pang. Marcos, nagtalaga ng mga special envoy sa China

Pang. Marcos, nagtalaga ng mga special envoy sa China

NAGTALAGA si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ng special envoy para sa Trade, Investments, at Tourism sa People’s Republic of China.

Ang mga bagong itinalaga ay sina Benito G. Techico at Maynard S. Ngu.

Una na ring iminungkahi ni Senator Alan Peter Cayetano na magiging epektibong special envoy sa China si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa espesyal na relasyon nito sa Chinese government.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagtungo si FPRRD sa Beijing para daluhan ang inagurasyon ng gusali sa isang unibersidad doon na ipinangalan sa kaniyang ina na si Soledad ‘Nanay Soleng’ Roa Duterte kung saan nakaharap din ng dating Pangulo si Chinese President Xi Jinping.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble