Bagyong Khanun, tumama na sa SoKor, mga biyahe at negosyo, kinansela

Bagyong Khanun, tumama na sa SoKor, mga biyahe at negosyo, kinansela

KINANSELA ang mga biyahe ng mga eroplano, train at mga negosyo sa Busan, South Korea matapos lumapag ang Bagyong Khanun sa lugar nitong Huwebes Agosto 10.

Nasa 330 flights ang kinansela at nasa mahigit 10,000 indibidwal naman ang inilikas mula sa mga high-risk areas.

Mahigit 40 katao naman ang nasawi dahil sa baha at mga pagguho ng lupa dulot ng hanging habagat.

Pinapayuhan ng Korean government ang publiko na iwasang lumabas at manatiling ligtas hanggang makaalis ang bagyo.

Samantala, kinansela rin ng Japan ang kabuoang 80 flight at 10,000 kabahayan ang walang kuryente nitong umaga ng Huwebes.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter