IBINABALA ngayon ng Climate Change Commission (CCC) ang inaasahang pagtaas ng init ng temperatura o ng heat waves sa mga susunod na buwan.
Paliwanag ni CCC Commissioner Albert dela Cruz, ito ay dahil sa dry spells kahit na mayroong malalakas na pag-ulan sa ibang bahagi ng bansa.
Bukod sa inaasahang matinding init ng panahon, binalaan ni Dela Cruz ang publiko sa matagal na pagbuhos ng ulan at flashfloods na posibleng makaaapekto hindi lang sa pang-araw araw na pamumuhay kundi maging sa presyo ng mga pangunahing bilihin.
Sa ngayon ay patuloy na umiiral ang El Niño sa bansa.