16 domestic flight sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

16 domestic flight sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

KANSELADO ang 16 na domestic flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw ng Lunes dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA) Media Affairs Division Office, kanselado ang anim na biyahe ng Cebu Pacific sa pagitan ng Manila, Tuguegarao at Cauayan, Isabela.

Habang walo naman ang kanseladong flights ng Cebgo na biyaheng balikan mula Manila patungong San Jose, Masbate, at Naga.

Apektado rin ang dalawang biyahe ng Airswift sa pagitan ng Manila at El-Nido Palawan

Patuloy na nakamonitor ang MIAA sa posible pang pagdagdag ng mga biyaheng maapektuhan dahil sa nararanasang sama ng panahon.

Follow SMNI NEWS on Twitter