MAKAKASALI sa audition program na “The Debut: Dream Academy” ng HYBE si Sophia Laforteza, ang anak ni theater actress Carla Laforteza.
Sa naging anunsiyo, isa sa top 20 contestants mula sa 120 libong submissions para sa audition program si Sophia.
Magsisimula naman sa Setyembre 1 ang streaming ng programa habang ang finale ay sa Nobyembre 17.
Layunin ng audition program ng K-pop Entertainment Company na HYBE ay ang makabuo ng panibagong global girl group.
Ang HYBE ang siyang talent agency ng BTS.