Programang pangnutrisyon para sa taong 2023-2028, inilunsad ngayong araw

Programang pangnutrisyon para sa taong 2023-2028, inilunsad ngayong araw

INILUNSAD ngayong araw ng administrasyong Marcos ang programang pangnutrisyon para sa taong 2023-2028 sa pamamagitan ng DOH, DOST, DILG at National Nutrition Council.

Ayon kay Jovita Raval, Deputy Executive Director for Technical Services ng National Nutrition Council, layon ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028 na tugunan ang problema sa malnutrition sa bansa.

Giit nito na hindi lamang ang usapin ng pagkabansot dulot ng kakulangan sa nutrisyon ang tinutugunan ng programa kundi maging ang obesity sa adult na mga Pilipino.

Sa latest report, nasa 26.4% ang mga batang edad 5 pababa ang bansot habang patuloy rin na tumataas ang bilang ng mga overweight at obese sa bansa.

Ayon kay Raval, paiigtingin ng mga ahensiya ng gobyerno ang kanilang programa partikular ang feeding program para masolusyunan ang gutom at malnutrisyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble