INIHAIN sa Kamara ang isang panukalang naglalayong mabigyan ng kapangyarihan ang pangulo ng bansa na magdeklara ng state of national rice emergency.
Hakbang ito para matugunan ang tumataas na presyo ng bigas.
Sa explanatory note ni Marikina Rep. Stella Quimbo sa kaniyang House Bill No. 9030, sinabi nito na madalas na binibisita ng bagyo ang bansa lalong-lalo na ang mga rehiyon na nagpo-produce ng bigas kung kaya’t kailangan lang na pahalagahan ang pagresolba nito.
May iilan din aniya na mga local trader na nananamantala sa sitwasyon sa pamamagitan ng hoarding at price manipulation.
Kung may kapangyarihan na aniya ang pangulo na magdeklara ng state of emergency hinggil dito, hindi na pahirapan halimbawa ang paghingi ng pondo para sa importasyon upang matiyak ang sapat na suplay na bigas sa bansa.