Floating barrier sa Bajo de Masinloc, inalis ng PCG

Floating barrier sa Bajo de Masinloc, inalis ng PCG

MATAGUMPAY na naalis ng Philippine Coast Guard (PCG) ang Hazardous Floating Barrier na nakalagay sa Bajo de Masinloc (BDM).

Kasunod ito sa naging kautusan ng Pangulo na alisin ang nasabing harang dahil sa paglabag sa international law partikular na sa karapatan ng mga Pilipino na mangisda sa lugar.

Ayon kay PCG Spokesperson for the West Philippine Sea (WPS), CG Commodore Jay Tarriela batay sa 2016 Arbitral Award, ang BDM ay itinuturing na traditional fishing ground ng mga mangingisdang Pinoy.

Tiniyak naman ng pamahalaan na walang nilabag na batas ang Pilipinas sa pag-aalis sa nasabing floating barrier batay sa sovereign rights ng bansa.

Follow SMNI NEWS on Twitter