PCG, kinondena ang pangbobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa ilang bangka ng Pilipinas

PCG, kinondena ang pangbobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa ilang bangka ng Pilipinas

MARIING kinokondena ng Philippine Coast Guard (PCG) ang panggigipit na ginawa ng Chinese Coast Guard sa ilang bangka ng Pilipinas.

Hinarang at binomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard vessels ang barko at bangka ng Pilipinas na maghahatid sana ng supply sa Ayungin Shoal.

Naganap ito noong Agosto 6, 2023 habang sinasamahan ng PCG ang ilang bangka sa kanilang re-supply mission sa mga tropa ng pamahalaan na naka istasyon sa BRP Sierra Madre sa nasabing lugar.

Kaugnay, agad na kinondena ng PCG ang ginawang ito mg CCG vessels kasabay ng pakiusap na igalang ang soberenya ng Pilipinas at mga pagmamay-aring isla ng bansa.

Matatandaang hindi lang ito ang isang beses na hinarang at binomba ng Ater Cannon ang mga bangka ng Pilipinas ng Chinese Coast Guard Vessel.

Ngayong araw ng Lunes, Agosto 7,2023, isang press conference ang nakatakdang pangunahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) at National Task Force on West Philippine Sea para sa mga gagawing hakbang ng pamahalaan kaugnay sa nasabing usapin

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble