KINILALA si Pastor Apollo C. Quiboloy sa Asia’s Humanitarian Hero Awards 2023 bilang Lifetime Achiever and Most Active Humanitarian Advocate of The Year na ginanap sa Vivere Hotel and Resort Filinvest sa Alabang nitong Huwebes ng gabi.
Pinarangalan din ang SMNI Foundation Inc. bilang Most Trusted Humanitarian Foundation of the Year.
Bilang isang philantrophist, itinatag ni Pastor Apollo ang iba’t ibang organization na nangunguna sa pagtulong sa ating mga kababayan sa oras ng pangangailangan.
Kabilang na rito ang SMNI Foundation Inc., Children’s Joy Foundation, Sonshine Philippines Movement, at UniPhil.
Dito naipakikita ni Pastor Apollo ang kaniyang malawak na pagmamahal sa kapwa kung saan wala siyang tinitingnang relihiyon, lahi o estado ng buhay.