NA-DEMONIZE ng Pilipinas ang China simula noong administrasyon ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Ito ang binigyang-diin ni Sass Sasot ng history department ng Maastricht University sa The Netherlands kaugnay sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Sasot, kung sisilipin ang kasaysayan, matagal nang pinag-aagawan ang Spratly Islands na nasa WPS ng ibat-ibang bansa bago ang 1900s.
Subalit simula 1970s, nang magkaroon ng world oil crisis bunsod ng sunod-sunod na digmaan ay nagka-ideya si dating Pangulong Ferdinand Marcos na galugarin ang Spratlys na mayaman sa langis para maiahon ang ekonomiya ng bansa.
Kaugnay nito, iminungkahi ni Sasot na para maresolba ang kasalukuyang tensyon sa WPS ay dapat ipatupad ang soft power sa halip na pamimilit o force at panghihimok.
Iginiit ni Sasot na ang patuloy na pagde-demonize ng bansa sa China ay hindi nakatutulong at posibleng magdulot ng digmaan.