Bagong kumander ng Joint Task Force COVID Shield, pinangalanan na

INIHAYAG ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas ang bagong talagang kumander ng Joint Task Force COVID Shield.

Matapos ang limang buwan bilang commander ng Joint Task Force COVID Shield si Police Lieutenant General Cesar Hawthorne Binag, ay may bago nang papalit sa kanya.

Ito ay matapos na magretiro si Binag sa kanyang panunungkulan.

Nakatakdang magretiro sa pwesto si Binag sa Abril 24.

Nanilbihan naman si Binag sa bayan bilang isang pulis ng 37 taon bago ito magretiro.

Nakatakdang papalit sa posisyon ni Binag si PLt. Gen Joselito M. Vera Cruz na dating Chief of Directorial Staff ng PNP.

Inaasahan ni Sinas na ipagpapatuloy ni Cruz ang nasimulang tungkulin ni Binag lalo na sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols sa Metro Manila upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

“As the new commander of this task force, I expect PLtGen Vera Cruz will continue the plans and programs of the previous commander and enforce strict quarantine rules in the country to mitigate the spread of the virus while waiting for the available vaccines,” pahayag ni Sinas.

SMNI NEWS