Kasunduan upang labanan ang vote-buying, pinirmahan ng DILG at COMELEC

Kasunduan upang labanan ang vote-buying, pinirmahan ng DILG at COMELEC

NILAGDAAN ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Commission on Elections (COMELEC) ang memorandum of agreement (MOA) upang labanan ang pagbili at pagbebenta ng mga boto.

Ito ay bilang paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ngayong Oktubre.

Pinangunahan nina DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. at COMELEC chairman George Garcia ang paglagda sa kasunduan na ginanap sa Camp Crame.

Sa ilalim ng kasunduan, magsasagawa ang DILG at COMELEC ng pagsasanay upang ituro ang pagtukoy sa mga paraan ng pagbili at pagbebenta ng boto at pangangalaga ng ebidensiya.

Magsasagawa rin ang dalawang ahensiya ng information campaign para sa kamalayan ng publiko.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter