ISINUSULONG ngayon ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang panukalang batas na layong patawan ng tax exemption ang mga guro sa bansa.
Sa House Bill No. 9106, idiniin ang kahalagahan ng mga guro sa lipunan at ang pangangailangan na tumbasan ng pamahalaan ang kanilang sakripisyo.
Ngunit, sa kabila ng pagiging overworked ng mga ito ay isa aniya ang mga guro sa mga lowest paid government worker.
Ayon kay Rodriguez, nasa 880,000 na public school teachers ang makikinabang sa nasabing panukala.
Sa ilalim ng panukala ni Rodriguez, ang lahat ng sahod, allowance at benepisyo sa mga ito ay tax exempted kasama na ang pagbabayad ng withholding tax.
Sakop ng panukala ‘yung mga nagtuturo all levels sa state colleges and universities.
“It is vital that the government attract the most competent and efficient teachers for the benefit of our students. To do this, the government must provide compensation and benefits, whether monetary or otherwise, commensurate to the work they perform and the contribution they make to society,” ani Rodriguez.