Runway ng Basa Air Base sa Pampanga, opisyal ng binuksan para gamitin sa EDCA

Runway ng Basa Air Base sa Pampanga, opisyal ng binuksan para gamitin sa EDCA

OPISYAL ng binuksan ngayong araw ng Lunes Nobyembre 6, 2023 ang bagong runway ng Basa Air Base sa Pampanga.

Pinangunahan ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro, AFP chief of staff Romeo Brawner Jr., Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo, Philippine Air Force Commanding General Lt. Gen. Stephen Parreno, at US counterparts.

Ito’y matapos na sumailalim sa ilang buwang rehabilitasyon para gamitin bilang isa sa mga EDCA sites sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US Air Force.

Ilan sa mga isinagawa rito ang pag-aaspalto ng runway at runway overruns na layong masiguro ang mas ligtas na take-off at landing ng aircrafts at iba pang operasyon sa himpilan ng eroplano.

Pero pagtitiyak ng pamahalaan, gagamitin ang pasilidad hindi lamang para sa modernisasyon ng kapasidad para sa territorial defense kundi upang maisulong din ang ugnayan sa US at epektibong makatugon sa mga isyung panseguridad sa rehiyon.

Kabilang ang Cesar Basa Air Base sa apat na karagdagang base na gagamitin sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) — isang serye ng military exercises sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.

Follow SMNI NEWS on Twitter