ISANG lalaki ang napatay ng isang robot sa South Korea matapos bigo itong makilala ng robot mula sa mga box ng pagkain na inaayos nito.
Ang insidente ay nangyari matapos na inspeksiyunin ng empleyado ang robot.
Ang robot na inakala ang lalaki na isang kahon ng gulay ay itinulak ang lalaki sa conveyer belt kung saan nagdurog sa mukha at dibdib nito.
Naipadala naman agad ito sa ospital pero kalaunan ay nasawi.
Ayon sa Yonhap News Agency, ang robot ay responsable sa pagbubuhat ng kahon ng paminta at paglilipat nito sa mga lagayan.
Ang lalaking empleyado ay sinusuri ang sensor operation ng robot bago ang test run nito sa pepper sorting plant sa South Gyeongsang Province.
Ang test ay orihinal na nakaplano para sa Nobyembre 6 pero ito ay naiurong ng dalawang araw dahil sa problema sa sensor ng robot.
Siniguro naman ng Donggoseong Export Agricultural Complex ang kaligtasan ng lugar kasunod ng insidente.