Bilang ng pasahero ngayong holiday season, inaasahan na aabot sa 140-K bawat araw—MIAA

Bilang ng pasahero ngayong holiday season, inaasahan na aabot sa 140-K bawat araw—MIAA

INIHAYAG ni Transportation Secretary Jaime Bautista na inaasahang tataas ng limang libo o hanggang walong libong pasahero ang pagdagsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng mga pasahero bawat araw ngayong holiday season mula sa normal na volume na pasahero na 120-130 libo bawat araw.

Gayunpaman, handang-handa naman aniya ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa posibleng pagtaas ng volume ng pasahero kagaya nitong nakaraang Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) at Undas.

Matatandaan, ikinatuwa ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay na isinagawa ng MIAA ang OPLAN Biyaheng Ayos : Barangay & Sangguniang Kabataan Elections and Undas 2023 sa NAIA.

Umabot sa 1.2 milyong pasahero at 8,000 flights ang naitala sa panahon ng Undas.

Sa kabila rin ng malaking volume ng pasahero ay naabot pa rin ng MIAA ang 84% rating na On-Time Performance (OTP).

Gayunpaman, sisikapin pa rin ng MIAA na maabot ang pinakamataas na OTP o tamang oras ng pag-alis at paglapag ng mga eroplano sa NAIA ngayong Kapaskuhan.

May paalala rin ang DOTr na asahan na rin ang mahigpit na daloy ng trapiko ngayong Kapaskuhan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble