IPINANGAKO ni Chinese basketball legend Yao Ming na tutulungan niya ang kanilang national team matapos napaulat na naabuso online ang ilang Chinese players.
Ayon kay Yao na presidente ng Chinese Basketball Association, bukas silang tumanggap ng mga puna hinggil sa kakulangan sa basketball techniques subalit hindi na rin aniya tama ang mga sinasabi ng iba.
Nag-ugat ang mga online abuse nang matalo ang Team China sa Asian Games na isinagawa sa mismong bansa nila.
Ngayon ay hindi naman sila makakasama sa 2024 Paris Olympics.