China, magbibigay ng anim na fire trucks sa Marawi City

China, magbibigay ng anim na fire trucks sa Marawi City

MAGBIBIGAY ng anim na fire trucks ang Bureau of Fire Protection (BFP) na maaaring gamitin para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), matatanggap ang mga fire truck sa Disyembre 5.

Idadaan ang donasyon sa Task Force Bangon Marawi, ang ahensiyang itinalaga para sa full rehabilitation ng Marawi.

Pinasalamatan na ni DILG Sec. Benhur Abalos ang Chinese government para dito lalo na’t lubos itong makatutulong sa magiging recovery at rehabilitation efforts ng lugar.

Matatandaang ang digmaan na nangyari sa Marawi noong 2017 ay naging sanhi para masira ang napakaraming imprastraktura at pasilidad maging ang public at private buildings.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble