NAGPAPATULOY ang search and rescue operations ng Philippine Air Force (PAF) sa bumagsak na Piper plane RPC 1234 sa Brgy. Casala, San Mariano, Isabela.
Sinabi ni PAF Spokesperson Colonel Ma. Consuelo Castillo na nasa crash site na ang dalawang helicopters kabilang ang Sokol at Huey aircraft.
Ayon kay Castillo, nagsagawa ng hoist operations ang parajumpers ng Air Force kasama ang ilang tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).
Sa kabila ng malakas na hangin ay matagumpay na nailapag ng mga piloto ang rescuers na ilang metro lang ang layo sa crash site.
Inaasahan na maglalabas ng update ang Air Force sa oras na masuri ang bumagsak na eroplano.