Sapat na suplay at abot-kayang presyo ng agri products sa NCR, tiniyak ng DA ngayong Pasko

Sapat na suplay at abot-kayang presyo ng agri products sa NCR, tiniyak ng DA ngayong Pasko

SINIMULAN na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-iikot sa mga palengke sa Metro Manila.

Ito ay upang malaman ang sitwasyon ng suplay at presyo ng mga produktong agrikultural.

Kabilang sa mga sinuyod na palengke ng DA ay ang Mega Q-Mart at Kamuning Public Market sa Quezon City.

Ayon kay DA Undersecretary for Operations Roger Navarro na may sapat na suplay ng karne ng baboy, manok, gulay, at isda sa naturang palengke.

Makakaasa aniya ang mga mamimili na may suplay at abot kaya ang mga ito ngayong Kapaskuhan.

Samantala, nakipag-ugnayan din ang ahensiya sa National Price Coordinating Council.

Ito ay upang mailatag ang mga iba’t ibang interbensiyon na maaaring gawin upang magkaroon ng sapat na suplay at presyo ng produkto.

Gayundin ang pagsisiguro na hindi babaha ng mga imported agriculture products na malaking epekto sa mga local producer.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble