NAPASAKAMAY na ng mga Police Regional Office (PRO) 3 ang isa sa mga pangunahing suspek sa naganap na shooting incident sa loob ng isang bus sa Nueva Ecija nitong Nobyembre 15.
Sa ilalim ng pinaigting na imbestigasyon at operasyon laban sa gunman, kinilala ang suspek na si Allan delos Santos. Napag-alaman na isang hired killer si Delos Santos at naaresto ito dahil sa kasong statutory rape at sexual assault.
Anak, posibleng mastermind sa shooting incident sa loob ng bus sa Nueva Ecija Mas lumakas pa anila ang kaso laban sa suspek nang kusang nagbigay ng extra judicial confession at sinabi nitong inupahan sila ng anak ng biktima para ipapatay ang ina sa halagang P60-K.
Mula rito, agad na napagtagpi-tagpi ng mga awtoridad ang pangyayari nang matuklasan nila ang posibleng kaugnayan ng anak ng biktima sa mga suspek.
Kaugnay rito, agad na sinampahan ng kaso ng mga pulis ang gunman na si Delos Santos at apat na iba pa bilang tugon sa panawagan ng pamilya ng mga biktima na makuha ang hustisya para sa kanilang napatay na kaanak.
Noong Nobyembre 15, kitang-kita sa CCTV footage ang pamamaril ng dalawang suspek sa dalawang pasahero sa loob ng Victory Liner Bus habang natutulog.
Bago mabilis na bumaba ang mga suspek matapos na isagawa ang krimen.