Pasay City Mayor Emi, sumaklolo sa mga biktima ng sunog

Pasay City Mayor Emi, sumaklolo sa mga biktima ng sunog

AGAD na sinaklolohan ni Pasay Mayor Emi Calixto-Rubiano ang mga biktima ng sunog sa Brgy. 153.

Ang sunog ay naganap kagabi, Disyembre 12, 2023.

Dala ni Mayor Emi sa kaniyang pagbisita sa lugar ang mga pangunahing kakailanganin ng mga nasunugan.

Tinatayang nasa anim na kabahayan na may 20 pamilya o umabot sa 50 katao ang naapektuhan ng sunog.

Wala namang naitalang nasugatan o nasawi sa nangyaring insidente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble