Mahigit 100 katao, nasawi sa 2 lugar sa China

Mahigit 100 katao, nasawi sa 2 lugar sa China

NASAWI ang nasa 111 katao sa Gansu at Qinghai, Northwestern China matapos niyanig ng 6.2 magnitude na lindol nitong Disyembre 18.

Ayon sa Xinhua News Agency, maliban sa nasawi ay mahigit 200 ang nasugatan dahil dito.

Nagdulot naman ng pinsala sa linya ng tubig at kuryente ang lindol maging sa transportasyon at linya ng komunikasyon.

Noong Setyembre, mahigit 70 katao rin ang nasawi sa 6.8 magnitude na lindol na tumama sa Sichuan, Southwestern China.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble