PBBM, inilarawan ang kaniyang performance sa taong 2023 bilang “Year of structural changes”

PBBM, inilarawan ang kaniyang performance sa taong 2023 bilang “Year of structural changes”

INILARAWAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang kaniyang performance sa taong 2023 bilang “Year of structural changes”.

Nagbigay ng assessment si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ukol sa kaniyang pagganap sa tungkulin ngayong taon.

Sa panayam ng media sa sideline ng 50th Commemorative ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Summit sa Tokyo, inilarawan ni Pangulong Marcos ang kaniyang naging performance para sa taong 2023 bilang “Year of structural changes”.

Sinabi ni Pangulong Marcos na ang mga pagbabago sa istruktura ay mahalaga sa pagbangon ng bansa mula sa lahat ng hamon sa ekonomiya na iniwan ng COVID-19 pandemic.

Ito aniya ang mga solusyon sa problemang iniwan ng pandemya.

“So, those structural changes were necessary because we have to remodel or readjust rather, our — for example our fiscal policy, even our monetary policy, our spending policy, so that we are slowly moving — or not so slowly, so, we’re moving away from the COVID economy,” saad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Saad pa ni Pangulong Bongbong Marcos, ang mga pagbabago sa istraktura sa 2023 ay magkakaroon ng mas malaking epekto sa 2024.

Ipinunto ni Pangulong Bongbong Marcos na binago ng administrasyon ang istruktura ng iba’t ibang ahensiya sa pamamagitan ng paghahanap ng pinakamahusay na tao para sa bawat posisyon sa gobyerno.

“They are just — some of the changes that we did to the fiscal — tax structure, some of the changes that we did to the ease of doing business, all of these things have are just beginning to work now because it’s only now that we have put the — we have changed the structure of the different agencies and equally importantly that we are beginning to find the best people for each of those positions,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Sa tanong naman kung ano ang goals ng kaniyang administrasyon para sa 2024, inihayag ni Pangulong Marcos na nananatili ang layunin ng pamahalaan para sa darating na taon na ipagpatuloy ang modernisasyon ng gobyerno.

“Medyo obsolete na ‘yung ibang structure natin sa gobyerno. That we continue to modernize, we continue to be responsive to the new economy, that we position ourselves properly,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI News on Rumble