Mga pasaway na PUV drayber, sinampolan ng LTO

Mga pasaway na PUV drayber, sinampolan ng LTO

PASADO alas singko ng hapon nang magsagawa ng surprise operation ang Land Transportation Office (LTO) sa isang kilalang mall sa Quezon City.

Sapul sa operasyon ng ahensiya ang mga pasaway at isnaberong taxi drayber, mga ilegal na habal-habal na nangongontrata ng pasahero at maging ang mga kolorum na PUVs.

Kasunod na rin ito sa talamak na sumbong na natanggap ng LTO mula sa mga pasahero.

Mismong si LTO Chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II ang nanguna sa operasyon.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble