KINUMPIRMA ni Jennie ng sikat na Korean girl group na Blackpink na magsisimula na ang kaniyang solo career ngayong 2024.
Ito ang inanunsiyo ni Jennie kasabay ng paglunsad ng kaniyang bagong kompanya o agency na tinawag niyang Odd Atelier (OA).
Ang Atelier ay hango sa salitang French na ‘workshop’ kaya ang OA ay nangangahulugan din na ‘odd workshop’.
Sa kaniyang Instagram post, humiling si Jennie sa kaniyang mga fan na suportahan ang OA at ang Blackpink.