PARAMI nang parami ang mga miyembro ng The Kingdom of Jesus Christ, na naglalabas ng vlog sa upang pasinungalingan ang mga paratang laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Karamihan sa kanila ay mga fulltime workers na ilang dekada nang nasa loob ng KOJC.
Anila, ito ang kanilang paraan upang ipaalam sa publiko ang tunay na nangyayari at ipaalam ang umano’y mga ipinapakalat na kasinungalingan laban sa butihing Pastor.
Isa rito si Kelly Robledo, na mahigit 30 taon nang fulltime worker ng KOJC.
Buong tapang na inilahad ni Robledo na matagal na niyang kilala si Arlene Caminong-Stone.
Matatandaan na si Stone ay isa sa mga witness ni Senador Risa Hontiveros laban kay Pastor Apollo C. Quiboloy, kasunod ng inilabas na resolusyon ng senadora na nais paimbestigahan ang mga akusasyon laban sa butihing Pastor.
Ang nasabing resolusyon ay patungkol sa umano’y human trafficking, rape at child abuse na ginagawa ng KOJC na pinamumunuan ni Pastor Apollo.
Isa rin sa mga nabanggit ni Stone na kabilang siya sa tinatawag na “Pastoral Care Department” sa loob ng KOJC.
Ngunit ayon kay Robledo, hindi totoong miyembro ng Pastoral Care si Stone at nagsisinungaling lamang ito.
“Pastoral daw siya. So legit ba? O bogus? Fake? Eh ang pinakanumber one po na sagot ay fake. Bogus po ang lahat ng mga sinasabi niya kasi never naging Pastoral si Arlene Caminong-Stone.”
“Klaro po yan.”
“Kasi po ako po, kilala ko po ang mga legit na pastoral way back 1990s sa pagpasok ko po sa paglilingkod eh nakilala ko po lahat ‘yon.”
“Lahat po yan, hindi po sila karamihan. Iilan lang po ‘yan na naging pastoral na tinitrain po ng aming Pastor na maging future na leaders ng Bansang Kaharian na maging mga mga future coordinators, administrators sa ibang bansa at lahat ng mga gumagawa para sa gawain ng Ama.”
“Ang katotohanan po mananatili yan. Wala pong sexual service. Wala kung ano ano mang ginagawa.”
“Hindi po siya pastoral. Never po siyang pastoral kahit kailan po.”
“Ang alam lang gawin ni Arlene Caminong sa unang panahon ay makipag-isyu.”
“Makipagrelasyon sa iba’t ibang lalaki na kasama din po namin dito,” ayon kay Kelly Robledo, 32 Years Fulltime Worker ng KOJC.
Sa loob ng matagal na panahon, marami na rin aniya nasaksihan si Robledo na nais abusuhin ang KOJC at ang kabaitan ni Pastor Apollo.
“For 32 years po kilala ko po si Pastor.”
“Marami-rami na po akong nakita o nalaman na mga tao na gusto pong perahan ang Bansang Kaharian especially po si Pastor.”
“Na ang kanilang thinking po na napakabait si Pastor, eh hindi lalaban si Pastor.”
“Kaya kailangan nila abusuhin nila kailangan po nila gumawa ng isyu para maperahan si Pastor at ang Kingdom Nation.”
“Ang hindi lang po nila alam na ayaw lang po nila alam na ayaw po ni Pastor na ipahiya lalo na kapag mga babae po ang gumagawa ng ganyan,” dagdag ni Robredo.
Naglabas din ng pahayag si May Joy Valdez, isang KOJC fulltime worker na kabilang mismo sa Pastoral Care Department ukol sa mga akusasyon laban kay Pastor Apollo.
Manggagawa ng Kingdom of Jesus Christ, may panawagan kay Sen. Hontiveros
Ang panawagan niya, ay sana, makinig ang mga lingkod bayan, lalo na ang mga nasa Senado, sa mga tulad niyang tunay na kabilang sa Pastoral Care.
“To those of you na andiyan sa Senado who are listening and naniniwala agad then and there sa lahat ng mga accusations ng lahat ng mga taong without knowing them kung ano sila noon. Well, you should hear us also.”
“We are Filipinos who put you there saan kayo ngayon. So you should also hear us.
If you want the truth then you should let us speak. Invite us there sa Senado,” ayon kay MJ Valdez, KOJC Fulltime Worker.
Samantala, pahayag pa ng mga miyembro ng pastoral care, asahan na mas marami pa ang maglalabas ng kanilang mga patotoo at saloobin upang depensahan si Pastor Apollo at bigyang-linaw ang tunay na mga nangyayari at pamumuhay ng mga fulltime workers ng The Kingdom of Jesus Christ.