ISANG malawakang lindol ang yumanig sa Japan sa unang araw ng bagong taon na nagdulot sa pagkasawi ng 24 na katao.
Sunud-sunod na pagyanig ang tumama noong Lunes kung saan ang pinakamalakas dito ay naitala na umabot sa magnitude 7.6 sa Noto Peninsula sa Ishikawa Prefecture.
Ang mga daan sa epicenter sa Wajima ay nasira din na nagdulot naman ng mahigpit na daloy ng trapiko sa lugar.
Ayon sa isang eyewitness, siya ay tutungo sana sa Kanazawa, isang siyudad sa Ishikawa para sa pagdiriwang ng holiday kasama ang kaniyang pamilya.
“Five phones of us seven people were ringing, and we said at the same time that it was an earthquake. So, I pulled the car over and saw utility poles shaking. After a few moments of calculation, we decided to stay away from the beach, as we received a notice that there might be a tsunami, and the waves might be five meters high. So, we drove as fast as we could in the opposite direction of the sea,” pahayag ni Xu, Chinese na naninirahan sa Japan.
Kasunod ng pagyanig, isang tsunami warning naman ang inilabas ng Japan Meteorological Agency para sa Noto Region at hinikayat ang mga tao na agarang lumikas sa nasabing lugar.
Sa Komatsu City naman, ang mga lokal na residente ay umakyat sa mga rooftop upang humingi ng tulong at ang iba ay nagtungo sa mga primary school upang pansamantalang manuluyan doon.