Mga biyahero mula at papuntang Haneda Airport, hinikayat na tingnan muna ang kanilang flight status—MIAA

Mga biyahero mula at papuntang Haneda Airport, hinikayat na tingnan muna ang kanilang flight status—MIAA

HINIKAYAT ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang mga biyaherong bibiyahe mula o papuntang Tokyo Haneda Airport na tingnan muna ang kanilang flight status dahil isinarado pa ang paliparan makaraang nasunog ang isang eroplano roon.

Halimbawa rito ayon sa MIAA, ang Philippine Airlines Flight PR424 at Japan Airlines Flight JL78 na nag-aantay pa ng clearance.

Ang Nippon Airways Flight NH870 naman na nakaalis na ay pinag-landing muna sa Kansai Airport.

Samantala, ang nasunog na Japan Airlines Flight A350 ay nakatakda sanang magdala ng tulong sa Japan West Coast matapos niyanig ito ng 7.6 na lindol noong Enero 1, 2024.

Sa pagkasunog ay lima sa anim na crew members ang namatay.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble