Unang batch sa 2-K MT na rice donation ng Taiwan sa Pilipinas, naibigay na

Unang batch sa 2-K MT na rice donation ng Taiwan sa Pilipinas, naibigay na

NAITURN-over na ng Taiwan sa Pilipinas ang unang batch ng kanilang rice donation na katumbas ng 1,000 metriko toneladang bigas.

Pinangunahan ang turn-over ceremony ni Manila Economic Cultural Office (MECO) chairman Silvestre Bello at Taipei and Cultural Office (TECO) Rep. Wallace Chow.

Ayon kay Chow, ang susunod na batch ng rice donation ay isasagawa depende sa sitwasyon ng pangangailangan o sa request ng Pilipinas.

Samantala, ang donasyon na bigas ay magsisilbing karagdagang stocks ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na ipinamimigay tuwing may disaster relief efforts.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble