LUMABAS sa online marketplace na Airbnb na ang Thailand ay isa sa sampung bansang pangunahing sinasaliksik sa platform nito sa unang kwarter ng taon.
Ang Thailand ay sikat dahil sa mga atraksyon, beach resorts at pagkain na dito lamang matatagpuan.
Dahil nga sa ranking na ito ng Airbnb ay muling lumakas ang status ng bansa bilang isang ‘must-visit destination.’
Nagtapos ang taong 2023 na dalawamput pitong milyong arrivals ang naitala ng bansa at target nga ng gobyerno na mas pataasin pa ito sa tatlumput lima hanggang apatnapung milyong foreign arrivals ngayong taon.
Samantala, lumabas naman sa huling research ng oxford economics na sinuportahan ng Airbnb ang sektor ng turismo ng Thailand sa pamamagitan ng pagkakaloob ng trabaho at pag-aambag sa GDP ng bansa.
Ayon rito, limamput anim na libong trabaho ang naipagkaloob nito noong 2022 at umabot sa higit isang porsyento naman ang naiambag sa GDP ng Thailand.